-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nag-alala ngayon ang lokal na gobyerno ng Davao City dahil sa pagtaas ng mga suicide cases sa lungsod. Ayon kay Davao City 2nd District Councelor Richlyn “Che-che” Justol, madaming ugat ang depression tulad ng stress sa trabaho, pressure sa paaralan at sa bahay, at self-validation sa social media.

Dagdag pa niya, gusto niya ngayon bigyan ng pansin ang mental health sa mga tao sa pamamagitan ng counseling o constant communication. Palagi namang bukas ang hotlines sa city government para sa mental health concenrs.

Samantala, ang Philippine Mental Health Association-Davao chapter ay nag-aalok ng libreng serbisyo ng konsultasyon, pagpapayo, at psychotherapy. Ayon pa sa datos, nakapagtala ang Davao City ng pinakamataas na bilang ng mga kaso ng suicide na umabot sa 25 noong 2016, at tumaas sa 38 noong 217, habang 53 naman na kaso ang naitala nitong nakaraang taon.

Matatandaan na ngayong buwan din naitala ang kaso ng isang lalaki na natagpuang patay matapos magbuwis ng sariling buhay sa kahabaan ng Coastal Road sa lungsod.