-- Advertisements --
Iimbestigahan na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang napaulat na pagtaas ng presyo ng mga asukal sa iba’t ibang pamilihan sa bansa.
Ayon sa SRA makikipag-ugnayan sila Department of Trade and Industry (DTI) para tulungan silang mabantayan ang mga pamilihan na nagtataas ng mga presyo ng asukal.
Nilinaw din ng ahensiya na may sapat pang suplay ng asukal sa bansa kaya walang dahilan para magtaas sila ng presyo.
Nauna rito nagtaas ng piso mula sa dating P37 ang presyo ng kada kilo ng light brown sugar habang mayroong P45 kada kilo mula sa dating P43 ang presyo ng golden brown sugar.