-- Advertisements --

Nakaamba na naman ang dagdag-presyo sa ilang mga pangunahing bilihin sa bansa.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, na kanilang inaprubahan ang hiling ng mga manufacturers sa dagdag presyo.

Kinabibilangan ito ng ilang brand ng sardinas, delatang karne, condiments, kape, gatas at mga detergents.

Tinatayang hanggang 9 porsiyento ang itataas ng nasabing mga pangunahing bilihin.

Paglilinaw nito na hindi pa maaaring magtaas ngayon ang mga negosyante dahil wala pa silang inilalabas na suggested retail price na mga bilihin.

Susubukan aniya nilang uutay-utayin ang mga presyo para hindi gaano maapektuhan ang mga mamimili.