-- Advertisements --
Asahan na umano ang pagtaas ng presyo ng isda, ilang araw bago ang pagsisimula ng Holy Week.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) normal lamang ang nasabing pagtaas dahil sa demand kung saan kaugalian na ng mga mamamayan ay hindi pagkain ng karne sa Semana Santa.
Nanindigan naman ang DTI na hindi dapat isisi sa El Nino ang pagtaas ng presyo dahil pawang mga fresh water na isda lamang ang maapektuhan dito.
Tiniyak din ng DTI na magsasagawa sila ng mahigpit ng monitoring sa mga posibleng mang-abuso sa presyuhan.