-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na panandalian lamang ang pagtaas sa presyo ng mga isda at lamang dagat.
Ayon kay DA spokesperson Arnel De Mesa, na normal lamang ngayong panahon ng Semana Santa ang nasabing pagtaas ng presyo ng mga isda.
Kaugalian kasi ng mga Katoliko na hindi kumain ng karne ng baboy at baka ngayong panahon.
Sa kanilang monitoring ay minimal lamang ang pagtaas ng presyo ng nasabing mga isda at lamang dagat.
Magbabalik lamang sa normal ang presyo ng mga isda at lamang dagat pagsapit ng araw Sabado at Linggo.