-- Advertisements --

SIBUYAS

Hindi lubos maisip ni Marikina Representative Stella Luz Quimbo kung ano ang naging dahilan sa pagbulusok ng presyo ng sibuyas sa bansa dahil marami ang suplay ng sibuyas at bigla na lamang nawawala ang mga ito.

Kaya para sa economist solon isa itong malaking misteryo na sinegundahan naman ito ng Department of Agriculture ng Bureau of Plant and Industry Director Gerald Glenn Panganiban.

Hindi naman masabi ng Panganiban kung mayruon kartel ng sibuyas pero ibinunyag nito na mayruong nagko kontrol nito.

Dahil Dito nais ng House Panel na itigil na ang ganitong mga modus.

Sa ngayon, nakikipag-tulungan na ang Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry o DA-BPI sa Department of the Interior and Local Government o DILG kaugnay sa pagbabantay sa cold storages at bodega, para sa mga produktong agrikultural tulad ng mga sibuyas.

Sinabi ni Panganiban, dapat nakarehistro ang mga cold storage warehouses kung saan inilalagak ang mga produkto.

Kung hindi aniya kasi nakarehistro, maaaring may nag-iimbak lamang ng mga produkto sa sariling bahay, o kaya’y sa bodega gaya ng nakita nila sa Binondo o Divisoria sa Maynila na ang iba ay “dilapidated” o sira-sirang gusali na hindi angkop para pag-imbakan ng mga sariwang produkto gaya ng sibuyas.

Kaya naman, ang DA-BPI katuwang ang DILG ay mahigpit na silang magmomonitor sa mga cold storage at bodega, para maging mas “transparent” ang mga impormasyon.

Ito ay para na rin hindi nagkakaroon ng espekulasyon o haka-haka, at mabatid kung saan talaga naroroon ang mga produkto.

Samantala sa briefing ay binigyang-diin ng DA-BPI ang kahalagahan ng pagdaragdag ng mga cold storage sa mga lugar ng “production areas” para mas makatulong sa mga magsasaka.

Kabilang sa isinusulong ay pagkakaroon ng “containerized at mobile cold storage.”