-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) na maghain ng proposal para sa pagtaas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno.
Sinabi ni acting DBM Secretary Wendel Avisado, na nagsasagawa na sila ng pag-aaral para sa panibagong salary adjustment dahil nakatakdang magpaso na ang Salary Standardization Law (SSL) ngayong taon.
Taong 2016 ng pinirmahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order 21 o batas na nagtatakda ng four-year salary adjustments sa basic wages ng mga empleyado ng gobyerno.
Dagdag pa ni Avisado na posible sa susunod na buwan ay maisusumite na sa mga mambabatas ang kanilang proposal.