-- Advertisements --
voters precincts polls comelec
Voting precinct

VIGAN CITY – Pabor ang Commission on Elections (Comelec) sa pagkaka-apruba ng House Bill 6095 o ang pagtaas ng spending limit campaign ng mga kandidatong tatakbo sa 2022 elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kumpyansa silang makatutulong ang nasabing batas dahil totoo umanong mababa lamang ang dating spending limit para sa mga kandidato kaya napipilitan ang mga ito na mandaya.

Iginiit ng ahensya ang mahigpit na monitoring sa mga social media platform na isa ngayon sa inaasahang magagamit bunsod ng COVID-19 pandemic dahil posible umanong ito ang paraan upang maitago nila ang kanilang mga nagastos sa pagkakampanya.

Sa bagong batas, mula sa tatlong piso bawat botante ay puwede ng gumastos ang mga ito ng P30 bawat botante para sa lokal na posisyon at P50 naman sa national position.