Epektibo na ngayong araw, october 1, 2024 ang paggamit ng 3% na pagtaas ng biodiesel mix mula sa dating mandatory 2% blend.
Ang biodiesel blend ay ang pagtataas sa 3% na halo ng coconut methyl esther sa diesel.
Ayon kay Energy Usec Alessandro Sales na inilabas ang kautusang ito nitong nagdaang mayo kaya nabigyan na aniya ng sapat na panahon ang mga kumpanya ng langis na makapag adjust at maihanda ang kanilang produkto.
Ang hakbang na ito ay naglalayon aniyang makasunod ang bansa sa biofuels law, matulungan ang mga magsasaka ng niyog na lumaki ang kita at mabawasan ang greenhouse gas emission.
Sa ilalim ng batas, taon taon ay tataas ang biodiesel mix, o aakyat sa 4% pagsapit ng 2025 at 5% sa 2026.
Sinabi ni Sales, ginawang kada taon ang transition para hindi naman mabigla ang mga nagpo proseso sa bio refineries at makasabay sa demand.