-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa hakbang ng lehislatura na nagtaas sa 16 taon mula sa 12 taon edad na saklaw ng statutory rape.

Ayon sa PNP Chief, ang pag-apruba ng Senate Bill 2332 o An Act Increasing the Age for Determining Statutory Rape and other Acts of Sexual Abuse and Exploitation to Protect Children, ay malaking tulong para protektahan ang kabataan mula sa sexual exploitation.

Naniniwala si Eleazar na panahahon narin para repasuhin ang batas tungkol sa rape dahil nagbago narin ang situasyon sa lipunan.

Sinabi ng PNP Chief, na ang anumang hakbang na magpapalawig ng proteksyon sa mga kabataan ay laging susuportahan ng PNP.

Siniguro naman ni Eleazar sa mga biktima ng sexual na pang-aabuso na kakampi nila ang PNP, at hindi dapat sila mag-alinlangang lumapit sa pulis para sa tulong.

Ang PNP’s Women and Children Protection Office ang nakatutok sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.