Ipinapanukala ngayon sa Kongreso na itaas ang minimum wage ng mga public school teacher.
Ito ay bilang pagkilala sa ambag ng mga guro kasabay ng paggunita sa World Teacher’s Day sa October 5.
Batay sa inihaing House Bill 4070 na inihain ni Quezon City 5th District Representative PM Vargas, mula sa Salary Grade 11 (P25,439) ay itataas sa Salary Grade-19 (₱49,835) ang minimum salary grade ng mga guro.
Ayon kay Vargas, napapanahon nang itaas ang sweldo ng mga guro dahil sa tumataas na cost of living.
Katunayan, noong 18th Congress ay isinulong na rin aniya ang kahalintulad na panukala.
Dagdag pa ng kinatawan na paraan din ito para suklian ang dedikasyon at paghihirap ng mga guro sa pagtatrabaho para magbigay ng dekalidad na edukasyon.
Hindi bababa sa 15 panukalang batas ang inihain ngayong 19th Congress na nagtutulak para sa salary.
increase ng mga guro.