-- Advertisements --
Naniniwala si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na may ibang intensiyon si Pangulong Rodrigo Duterte kaya balak nitong tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.
Sinabi nito na ang tunay na intention nito ay para maging “successor-president”.
Alam aniya ng pangulo na walang immunity ang bise president laban sa anumang kaso.
Isa aniyang malinaw na panlolok ang “alibi” ng pangulo na makakakuha ito ng immunity mula pagtakbo sa pagka-bise presidente.
Nauna nang sinabi ng pangulo na isang panakot lamang sa mga kritiko nito ang pagtakbo nito sa pagka-bise presidente at nitong pinakahuli ay kaya ito tatakbo sa pagka-bise presidente matapos na pagbantaan siya ng mga kritiko na kakasuhan siya.