-- Advertisements --

Patuloy pa rin na tinitimbang ni Vice President Sara Duterte ang pagtakbo nito sa pagkapangulo sa darating na 2028 Presidential Election.

Kasunod ito sa kinakaharap niyang impeachment mula sa House of Representatives.

Dagdag pa ng 46-anyos na Bise Presidente na ipinapaubaya niya ang lahat sa kaniyang legal team.

Ginagawa na lamang niya ngayon ay mag-move-on at hinikayat ang mga supporters na magtiwala hanggang sa huling pagkapanalo.

Aminado ito na mahirap ang magdesisyon ngayon sa pagtakbo nito sa pagkapangulo lalo na at kulang ang bilang ng mga kaalyado nito sa kongreso.

Maaring sa susunod na taon ay mabubuo na ang pasya nito sa pagtakbo sa pagkapangulo.