Binati ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda at Albay, 2nd district Representative si Secretary Raphael “Popo” Lotilla na inappoint ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang kalihim ng Department of Energy (DOE).
Sa isang pahayag sinabi ni Salceda na ang appointment ni Lotilla ay isa sa strongest appointment na ginawa ni PBBM.
Kumpiyansa si Salceda na magagampanan ni Lotilla ng maayos ang kaniyang trabaho sa DOE.
Nagkatrabaho sina Salceda at Lotilla sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sinabi rin ni Salceda na Kaalyado rin niya si Lotilla sa pagsusulong ng mga reporma sa RVAT, partikular sa mga produktong petrolyo, at ang excise tax ng petrolyo sa ilalim ng RA 9337.
Ayon sa mambabatas malaki rin ang naging papel ni Lotilla sa pagkumpleto at pagpapatibay ng JPEPA o ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement.
Aniya, kailangan ng gobyerno ang kagaya ni Lotilla na magpapatupad ng reporma lalo na ngayon sa kasalukuyang energy situation sa bansa.
Naniniwala si Salceda, sigurado siyang magiging mahirap ang mga desisyon na gagawin ni Secretary Lotilla pero tama ito.