-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kumpiyansa ang isang mambabatas na maisusumite upang malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng anim na linggo ang P4.1 trillion national budget para sa taong 2020.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., alam na ng mga mambabatas ang epekto ng naantalang pondo sa mga proyekto at programa ng pamahalaan.

Ayon kay Garbin, nagkaroon rin ng pagpupulong sa Budget Coordinating Council sa Kamara sa pagrebisa sa general principles sa appropriations matapos maipasa sa Kamara ang kopya ng naturang budget.

Umaasa si Garbin na hanggang sa Oktubre 4 ang magiging pag-scrutinize ng budget o kaya hanggang Nobyembre 4 matapos ang recess.

Sapat na rin aniya ang panahon sa reconciliation ng Senado at Kamara bicameral conference sa December 20 na deadline upang mapirmahan sa tamang oras ang budget.

Kaugnay nito, isinusulong ng naturang opisyal na maimbitahan ang publiko sa pagtalakay sa live streaming upang maging transparent ang proceedings.