Simula ngayong Lunes o ngayong buong linggo ay ibubuhos ng House of Representatives ang buong panahon nito sa pagtalakay sa panukalang 2023 national budget na nagkakahalaga ng 5.268 Trillion pesos.
Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, wala na muna silang ibang panukalang batas na bibigyan ng oras hanggang hindi naipapasa ang 2023 budget.
Sinabi ni Dalipe, kahit abutin sila ng dis-oras ng gabi ay tatapusin ng kamara ang plenary deliberations sa proposed budget hanggang sa Miyerkules, September 28 upang makamit ang target na pag-apruba dito sa third and final reading sa September 30,2022.
Sa ngayon ay aprubado na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang pondo ng 76 percent ng mga tanggapan ng gobyerno, kabilang dito ang 54 na mga departaments at mga attached agencies nito, kasama na rin ang mga constitutional bodies. Sa ngayon nasa14 na ahensya na lang ang nakatakdang isalang sa plenary deliberations ngayong linggo.
Kabilang dito ang DOT, DTI, Office of the Press Secretary, DICT, DFA, DPWH, DOTr, DOE, DENR, Office of the President, Presidential Management Staff at NCIP.
Ngayong araw unang sumalang sa budget debate sa plenary ang DOT agad naman inaprubahan matapos ang mahigit isang oras at kalahati, aprubado na rin ang budget ng DTI.