-- Advertisements --

Nararapat lang umanong matalakay na ng Duterte administration sa China ang isyu ng paninindigan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, kasunod ng pahayag ng Malacanang na idi-discuss na ito sa pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping.

Kung tutuusin nga raw ay noon pa dapat ito ginawa.

“About time. Dapat noon pa. Yan dapat i-discuss din nating mabuti. At tamang tama makikipagpulong siya kay President Xi Jinping, magandang mapagusapan. Kasi it’s there,” wika ni Lacson.

Hangad ng senador na mapanindigan ng gobyerno ang nararapat para sa mga Filipino at mabigyan ng tamang tugon ang mga usaping nakapaloob dito.