-- Advertisements --
Pagtama ng malakas na kidlat ang itinuturong sanhi ng pagkakasunog ng pampasaherong eroplano ng Russia.
Ito mismo ang naging pahayag ng pilotong si Denis Yevdokimov kung saan bago pa lamang sila mag-take off ay tinamaan na sila ng kidlat na nagdulot ng pagkasira ng komunikasyon nila sa air traffic controllers kaya napilitan silang lumipat sa emergency manual mode.
Dahil sa insidente ay 41 sa kabuuang 78 katao na na lulan ng Aeroflot jet.
Magugunitang tinupok ng apoy ang nasabing eroplano habang ito ay nag-emergency landing sa Moscow airport.