GENERAL SANTOS CITY – Mahigpit na pinagtutuunan ng pansin ng LGU Malungon Sarangani province ang posibleng pagtama ng malakas nga pagyanig kung kumilos ang Makilala Malungon fault.
Ayon kay Jessie de la Cruz Municipal Disaster Risk Reduction Management Office head na nagpatuloy ang kanilang information dessimination kung saan nakipagtagpo ang MDRRMO sa mga barangay kapitan para paghandaan ang sinasabing big one.
Itoy matapos sinabi na kayang yumanig ang nasabing fault ng 7.2 magnitude na lindol na posibleng aabot sa intensity 8 na lindol .
Sabi pa nito na kanila nang na -identify ang gagamiting evacuation center kung tatama ang nasabing lindol. Nalaman na apat na barangay ang makita sa fault at apektado ang mahigit sa 100 pamilya.
Ayon kay de la Cruz na malaki ang magiging epekto kung mangyari ang malakas na pagyanig .
Habang kahapon naranasan sa Malungon ang intensity 3 matapos namonitor ito sa intensity meter na naka install sa action center sa lugar.
Dahil dito handa na ang mga food packs at mga mga relief goods, hand held communications at mga gen set na gagamitin.