May namumuo umanong hindi maganda sa mga ginagawang hakbang ng Trump administration sa loob ng Pentagon.
Ang Pentagon ay ang gusali ng punong tanggapan ng United States Department of Defense.
Binago raw kasi ni US President Donald Trump ang Defense Department’s civilian leadership structure kung saan ilang mga senior officials ang kaniyang tinanggal sa puwesto at pinalitan ng kaniyang mga loyalista.
Unang sinibak sa puwesto ni Trump si Defense Secretary Mark Esper na nagsanhi nang pagkaalarma ng ilang opisyal sa militar at sibilyan.
Sinasabing nag-aalala rin sila sa susunod na maaaring mangyari.
Matapos sinibak sa puwesto si Esper, nag-resign naman ang apat mga senior civilian officials na kinabibilangan ng kaniyang chief of staff at top officals ng overseeing policy and intelligence.
Ipinalit umano ni Trump ang kaniyang mga loyalist kung saan kabilang ang isang kontrobersyal na personalidad na nagsulong noon sa tinaguriang “conspiracy theories” kung saan tinawag pa dati si US President Barack Obama na terorista.
Pinaniniwalaan naman ng ilan na maliban kay Esper, sisibakin din sa puwesto ni Trump ang directors ng FBI na si Christopher Wray at director ng CIA na si Gina Cheri Walker Haspel.
Dahil dito, ilan daw ang kumbinsido na ginawa ito ng Trump administration upang mahirapan ang kampo ni presumptive US President Joe Biden na alisin siya sa White House.
Nauna nang ipinalit kay Esper si Christopher Miller, ang direktor ng National Counterterrorism Center bilang bagong Defense secretary.
Kabilang naman sa may bagong tungkulin o nabigyan ng puwesto sa Department of Defense si retired Brig. Gen. Anthony Tata na siyang ipinalit kay James Anderson.
Naging kontrobersiyal si Tata dahil gumawa raw ito ng komento na mga “Islamophobic,” gayundin nakakasakit na mga pahayag at iba’t ibang mga teorya ukol sa mga sabwatan.
Kilala rin siyang loyalista ni US President Trump.
Sa panig naman ng mga Democrats, ikinaalarma nila ang mga development sa loob ng Pentagon.
Sinabi ni House Armed Services Chairman Adam Smith, isang Democrat mula sa Washington state, mapanganib sa mataas na antas ang paglilipat ng tungkulin sa Department of Defense lalo pa’t malapat na ang presidential transition bagay na dapat ikabahala rin ng mamamayan ng Amerika. (with reports from Bombo Jane Buna)