BUTUAN CITY – Kinokonsidera ni Jeffrey “Ka Eric” Celis, Secretary General ng grupong Kasambayanan, na isang total political war ang pinirmahang Executive order number 81 ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kungsaan tinanggal niya si Vice president Sara Duterte at ang mga datibg pangulo ng bansa bilang miyembro ng National Security council o NSC.
Ayon kay Ka Eric, dapat maipaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa taumbayan kung bakit tinanggal niya si VP Sara na syang nakakuha ng mataas na botong sa nakalipas naeleksyon.
Kailangan din nitong masagot kung banta ba talaga sa seguridad ng bansa ang besi presidente dahil sang ginawa nito ay namumukhang banta sa seguridad ng estado ang vice president.
Ayon kay Celis kung may hindi dapat umupo sa National security Council ito ay si House Speaker Martin Romualdez at mga kasabwat nito dahil sila ang may direktang koneksyon sa urban operation ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA-NDF.
Malaking pagkakamali umano ang pag-isolate sa mga Duterte sa National Security Council dahil mas malaki ang kaalaman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung ang pag-uusapan ay kampanya laban sa ilegal na druga at mga rebeldeng NPA.