Inirekomenda ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Agnes Devanadera na tanggalin ang 12% value added tax (VAT) sa singil sa kuryente sa papasok na administrasyon upang mapababa ang mataas na kasalukuyang singil sa kuryente ng mga consumers.
Sa panukala ng ERC official, dapat aniya na tanggalin na ng pamahalaan ang 12% VAT na ipinapataw partikular na sa generation charge kung saan dapat na ang patawan lamang ng buwis ay ang distribution charge o ang cost ng delivery ng kuryente sa mga kabahayan at sa iba pang end-users.
Aniya, ang isang typical na Pilipino consumer ay nagbabayad ng mga buwis hindi lamang isang beses kundi doble para sa pagkonsumo ng kuryente sa pangaraw-araw.
Ang generation charge o ang cost of electricity na ibenebenta ng power producers para sa mga distributors ay 50% ng kabuuang bill sa kuryente.
Ipinaliwanag ni Devanadera na walang legislation ang kailangan para itama ang double VAT computation sa halip ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang maaaring mag-isyi ng legal interpretation ng natuang specific tax policy.
Dapat aniya itong maikonsidera dahil sa immediate impact nito sa mga customers lalo na ang mga komokunsumo kada buwan ng 200 kilowatt hours pababa kung saan ay makakadiskwento ng hanggang P100.
Sa ilalim kasi ng Electric Power Industry Reform Act of 2001, ang pagbebenta ng generated power ay data na VAT zero-rated. Ang partikular na probisyon sa kabilang banda ay nabago kasunod ng pagsasabatas ng amended VAT probisions ng National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997.