-- Advertisements --

Inamin ni Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon na nadismaya siya sa hindi pagsama ng Department of Justice (DOJ) kina dating Pangulong Noynoy Aquino at Budget Sec. Butch Abad sa mga sasampahan ng kasong kriminal kaugnay ng kontrobersya sa Dengvaxia vaccine.

Sa isang panayam sinabi Gordon, malaki ang papel ni Aquino sa kontrobersya lalo na’t isa ito sa mga pangunahing opisyal ng pamahalaan na kasamang bumili ng Dengvaxia sa Sanofi Pastuer.

Ipinunto ng senador ang bilis sa proseso ng pagbili noon ng bakuna tuwing kasama ang former president sa mga transaksyon.

Bagamat patuloy na pinapalutang ng ilang tanggapan na Dengvaxia ang dahilan ng pagkasawi ng halos 100 indibidwal, nilinaw ni Gordon na wala pa ring siyentipikong basehan na magsasabing ito ang nakapatay sa umano’y mga biktima.

Kung maaalala, kabilang sa mga pinakakasuhan ng DOJ sina dating Health Sec. Janette Garin at iba pang dating opisyal ng DOH.