-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dismayado ang mga estudyante sa probinsya ng Cotabato sa pagpapalabas ng desisyon ng Korte Suprema sa pagtanggal ng Filipino at Panitikan na asignatura o paksa sa kolehiyo.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng mga estudyante ng University of Southern Mindanao (USM) sa Kabacan North Cotabato.

Ang dalawang asignatura ay hindi naman kailangang tanggalin sa kolehiyo dahil nangangahulugan lamang ito na gustong ilayo ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng wika at panitikan.

Ayon sa ilang mga estudyante sa USM na ang Filipino at Panitikan ay katumbas na rin umano ito ng pag-aalis ng kakayahang matuto ng husto sa lingwaheng Filipino.

Mahalaga rin ang Filipino at Panitikan sa paglinang ng karunungan ng bawat mag-aaral sa bansa.

Matatandaan na nakasaad sa pinal na limang pahinang resolusyon ng Korte Suprema na maaari nang alisin sa kolehiyo ang subject na Filipino at Panitikan (Philippine Literature).

Pinaboran rin ng Supreme Court ang memorandum order # 20 ng Commission on Higher Education (CHED) na ibaba sa 36 units ang general education (GE) curriculum at tanggalin na ang Filipino at Panitikan.