-- Advertisements --
Inirekomenda ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagtanggal na ng fishing ban sa ilang lugar matapos makumpleto na ang oil spill cleanup sa Oriental Mindoro,
Ayon kay DOST-National Research Council of the Philippines member Hernando Bacosa, ang lead expert sa oil spill investigation, maaaring mabawasan na sa 5 kilometers mula sa 15 kilometers ang radius ng fishing ban area.
Payo din ng opisyal na kapag wala ng visible pa na tumagas na langis sa lugar, maaari ng tanggalin ang total fishing ban sa lahat ng lugar sa Oriental Mindoro na una ng naapektuhan ng oil spill sa mga susunod na dalawa o tatlong linggo.
Sa ngayon, umiiral pa rin ang fishing ban sa karagatan ng Naujan, Pola at Pinamalayan sa Oriental Mindoro.