-- Advertisements --
Hinihintay na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung tuluyan ng tatanggalin ang martial law sa Mindanao.
Sinabi ng pangulo na nasa kamay na ng AFP kung nararapat bang alisin na ang martial law sa nasabing rehiyon.
Magugunitang unang isinailalim sa martial law ang Mindanao noong Mayo 2017 dahil sa pag-atake ng Maute group sa Marawi City.
Muli na naman itong inilagay na nakatakda namang magtapos sa Disyembre 31, 2019.