-- Advertisements --
Binawi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) ang plano nilang pagtanggal ng mga empleyado.
Ayon sa LRMC, na magsasagawa muna ng recalibration strategies at patuloy ang kanilang pagsuporta sa mga team members at mga government partners.
Nauna rito inanunsiyo ng LRMC na magbabawas sila ng 20% ng kanilang workforce o katumbas ng mahigit 100 empleyado matapos na bumaba ang bilang ng mga mananakay bunsod ng ipinatupad na quarantine.
Ang mga naapektuhan ay mga tellers at supervisros.
Sinabi ni Jackie Gorospe ang LRMC Corporate Communications head, na habang naka-hold ang retrenchment ay magpapatuloy naman ang voluntary at mandatory retirement ng mga empleyado na may edad 56.