Ang mga kawani ng lungsod ng Taguig mula sa Traffic Management Office, Public Order and Safety Office, Market Management Office, Business Permits and Licensing Office, General Services Office at Solid Waste Management Office, kasama ang PNP at MMDA, ay nagsagawa ng mas pinaigting na clearing operations nitong Lunes.
Ang nasabing operasyon, na ipinatutupad na ng lungsod kahit noong pang nakaraang administrasyon, kung saan naglalayong linisin mula sa kahit anung sagabal ang bawat lansangan sa Taguig.
Noong ika-22 ng Hulyo, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinakailangang “maangking muli ang lahat ng pampublikong kalsada na ginagamit ng pribadong sektor.”
Ang pagsisikap na maisagawa ito ay alinsunod rin sa vision na #SafeCity ni Mayor Lino Cayetano kung saan pinakamahalaga ang seguridad ng publiko na may layuning makagawa ng pedestrian-centered na komunidad.