-- Advertisements --

Hindi pa napapanahon na putulin ang Swift banking sa Russia dahil sa ginawa nitong paglusob sa Ukraine.

Sinabi ni US President Joe Biden na marami ng mga panukala para sa sanctions sa mga banko pero kalabisan na aniya kung pagbawalan ang Russia sa Swift.

Maaaring ipatupad aniya ito sa mga susunod na araw kung lalong lumala ang gulo sa Ukraine.

Nauna rito ipinanukala ni British Prime Minister Boris Johnson na dapat tanggalin na sa Swift banking system ang Russia.

Ang SWIFT ay pinakamalaking messaging network na ginagamit ng mga financial institutions gaya ng mga banko para magpadala at makatanggap ng pera ganun din ang pagpapadala ng impormasyo ng mabilis at ligtas.

Mayroong unique code ng mula walo hanggang 11 characters sa bawat financial institutions.

Kinokontrol ito ng G-10 central banks mula sa bansang Belgium, Canada, France, Germany, Italy, Japan, The Netherlands, United Kingdom, United States, Switzerland, at Sweden ganun din ang European Central Bank.