Napagkasunduan na ng advisory panel sa Japan na tanggalin na sa state of emergency ang lahat ng prefecture sa bansa.
Ayon kay Economic Revitalization Minister Nishimura Yasutoshi, susuriin ng gobyerno ang sitwasyon sa loob ng tatlong linggo upang unti-unting luwagan ang social at economic activities sa Japan maging ang mga large-scale events.
Hinihikayat din ng Japanese government ang lahat ng kanilang mamamayan na iwasan munang bumisita sa ibang prefecture hanggang sa susunod na buwan.
Labis naman ang pasasalamat ni Tokyo Gov. Koike Yuriko sa pakikiisa ng kaniyang nasasakupan ngunit nagbigay paalala pa rin ito na panatilihin ang pag-iingat.
Nagsimula na ring maghanda ang mga tindahan para sa muling pagbubukas ng kanilang mga negosyo na matagal ding natigil sa operasyon dahil sa coronavirus pandemic.
Wala pang bagong kaso ang naitatali ulit ngayong araw sa Japan. May kabuuang total na 16, 000 katao ang nagpositibo sa virus at 800 ang namatay.