-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Pinuri ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)-Western Visayas ang naging pasya ng Civil Aeronautics Board (CAB) na pagtanggal sa moratorium sa chartered flights sa Kalibo International Airport (KIA), kung saan, karamihan sa mga pasahero ay bakasyunista sa isla ng Boracay.

Ayon kay Elena Tusco Brugger, presidente it PCCI-Boracay, lubos nilang ikinatuwa ang naging desisyon ng CAB dahil sa magiging benepisyo nito lalo na sa mga tourism stakeholders.

Sa kabila nito, sinabi ni Natividad Bernardino, general manager it Boracay Inter Agency Rehabilitation Management Group na mahigpit pa rin nilang ipapatupad ang napagkasunduang carrying capacity sa isla ng Boracay.

Pag-aaralan umano nila ang posibleng impact nito sa isla sa inaasahang pagdagdag ng flights sa Boracay.