-- Advertisements --

May pinal na petsa ng itinakda para sa pormal na pagtanggap ni Cardinal Jose Advincula ng kaniyang “red hat” o ang bestowal of the insignia.

Gaganapin ito sa darating na Hunyo 18 sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral Roxas City kung saan pangungunahin ito ni Papal Nuncio Archbishop Charles Brown.

Unang itinakda ang okasyon noong Mayo 28 at ito ay iniurong noong Hunyo 8 dahil kailangan pang sumailalim sa 14-day quarantine si Archbishop Brown na galing sa US.

Si Advincula ay napili ni Pope Francis na magiging susunod na arsobispo ng Manila Archdiocese na kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle.