-- Advertisements --

Itinakda sa Mayo 28 ang pormal na pagtanggap ni Cardinal Jose Advincula, archbishop-elect ng Manila, ng kaniyang “red hat” o tinatawag na biretta.

Gaganapin ang seremonya sa Immaculate Coception Metropolitan Cathedral sa Roxas City sa darating na Mayo 28.

Pangungunahan ni Archbishop Charles Brown, ang Apostolic Nuncio to the Philippines, ang nasabing programa kung saan ibibigay rin ang kaniyang cardinal’s ring sa outgoing Archbishop ng Capiz.

Sinabi ni Fr. Emilio Arbatin, tagapagsalita ng Capiz archdiocese, na magiging limitado lamang sa 300 na katao ang papayagan sa loob ng cathedral dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Magugunitang noong Oktubre ay inanunsiyo ni Pope Francis ang 13 bagong karagdagan sa College of Cardinals na dalawa dito ay mula sa Asya na bukod kay Advincula ay si Cardinal Cornelius Sim ang unang cardinal ng Brunei.