-- Advertisements --
CAMP CRAME PNP POLICEMENT FLAG DAY
Salute to the flag: PNP officers at Camp Crame during the National Flag Day (photo from Bombo Analy Soberano)

LEGAZPI CITY – Nanindigan ang Police Regional Office (PRO)-5 sa pagsunod sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa pagtanggap ng mga regalo.

Ito’y matapos banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte na puwedeng tumanggap ng regalo ang mga pulis.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5, itinuturo sa police force simula sa training ang pagiging tapat sa pagtupad ng tungkulin.

Paliwanag ni Calubaquib na “case to case basis” ang mangyayari sa inihayag ni Pangulong Duterte at nakadepende sa motibo ng pag-solicit.

Malinaw aniya ang pagkakaiba sa suhol, pangongotong at regalo, lalo na at maraming miyembro ng komunidad ang kusang nagbibigay sa kapulisan kung natutuwa sa ibinibigay na serbisyo.

Samantala, nagpapasalamat naman ang opisyal sa mga kababayan na nagpapahayag ng pagkilala sa trabaho ng pulisya na nagpapasaya sa mga ito.