KALIBO, Aklan – Kahit nasa Alert Level 3 na ang National Capital Region (NCR), patuloy na tatanggap ng mga turista ang isla ng Boracay.
Ayon kay Malay Tourism Officer Felix delos Santos, hinihintay pa nila ang ipalalabas na executive order ni Aklan Governor Florencio Miraflores kaugnay sa ilalatag na patakaran.
Naniniwala si delos Santos na muling maapektuhan ang sumisigla na sanang tourist arrivals kapag nagpatupad ng age restrictions.
Dagdag niya, kilala ang isla na family destination dahilan na kapag ipagbawal muli na makabiyahe ang 17 anyos pababa at 65 anyos pataas mula sa mga lugar na isinailalim sa Alert Level 3 ay paniguradong muling bababa ang bilang ng mga bisita.
Batay sa tala ng Malay Tourism Office sa datos ng December 1 – 31, 2021 umabot sa kabuuang 113,596 ang mga turistang bumisita sa Boracay.
Majority nito ay galing sa National Capital Region, Calabarzon at ang iba ay galing sa ibat ibang lalawigan sa Western Visayas.