NAGA CITY – Ikinagalak ng regional director ng Department of Education (DepEd)-Bicol ang pagtanggi ng itinuturing na “barefoot runner†sa mga offer sa kanya ng mga malalaki at kilalang paaralan sa Manila dahil sa tagumpay sa Palarong Pambansa 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Gilber Sadsad, sinabi nitong nakausap niya mismo ang mga coach ni Lheslie De Lima at masaya siya sa naging desisyon ng atleta.
Hindi lamang umano kasi si Lheslie ang tumanggi gayundin ang kanyang mga magulang.
Kaugnay nito, pinasisiguro ng opisyal ang pag-aalaga ng husto kay De Lima gayundin ang buhos na suporta ng ahensiya sa pangangailangan ng bata.
Una rito, nakiusap ang opisyal sa ilang delegasyon na huwag ng pakialaman ang kanilang mga atleta dahil na rin sa nakitang galing ng mga ito ngayong taon matapos na makakuha ng mga gintong medalya.
Samantala, kinumpirma naman sa Bombo Radyo Naga ni De Lima na tinanggihan niya ang mga alok ng iba’t ibang delegasyon dahil na rin sa kanyang edad.