-- Advertisements --
Rep Romualdez
Rep. Martin Romualdez/ FB photo

Binigayan diin ng ilang lider sa Kamara ang kahalagahan ng pagkakaroon na ng isang kagawaran na tututok sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi nina House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez na nahihirapan ang gobyerno na makapag-focus sa mga pangangailangan ng mga OFWs dahil sa walang ahensyang nakatutok sa sektor na ito.

“There is a pressing need to establish an agency that would manage, harmonize, and strengthen existing policies and programs to address the needs of foreign Filipino employment,” saad ng mag-asawang Romualdez.

Yedda Marie Romualdez
Yedda Marie Romualdez/FB image

Sa kasalukuyan kasi anila ay walang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya kaya nagkakaroon ng redundancy sa trabaho na siyang dahilan ng kalituhan sa mga OFWs.

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga ahensyang ito na may mandatong protektahan ang mga Pilipinong nagtatrabaho abraod, marami pa ring problema at hamon na kinakaharap ang mga OFWs at kanikanilang mga pamilya.

Ilan nga rito ayon sa dalawang kongresista ang illegal recruitment, pag-aabuso ng mga employer, sexual abuse, hindi sapat na mga benepisyo, at ‘di sapat na tulong sa mga OFWs.