-- Advertisements --
Ipinag-utos ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagbuo ng isang clearing house desh na siyang bahala sa processing ng lahat ng alert orders sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ni Guerrero na mahalaga ang clearing house na ito para matiyak na wastong naipapatupad alinsunod sa batas ang mga alert orders na kanilang inilalabas.
Nabatid na ang mga alert orders na ito ay inilalabas ng mga opisina ng Bureau of Customs (BOC) para masilip ang mga identified shipments na suspected na hindi compliant sa regulasyon ng customs.
Ang Alert Order Clearing House Desk na ito ay aatasan na resolbahin ang delays at maaksuyanan kaagad ang mga alert orders sa pamamagitan ng aktibong pag-monitor sa mga shipments na nakaalerto.