Itinutulak ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang panukalang batas na naglalayong palakasin at lumago ang kooperatiba sa ibat ibang komunidad sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo ng mga local government units para paunlarin pa ang kooperatiba sa kani-kanilang mga lugar.
Inihain ni Yamsuan ang House Bill No. 2162 na magtatag ng kooperatiba sa ibat ibang komunidad ng sa gayon magkakaroon ng mas maraming trabaho, lumago ang lokal na ekonomiya at mapababa ang poverty incidence sa lugar.
Naniniwala kasi si Yamsuan na ang mga kooperatiba ay makakatulong sa modernisasyon sa sektor ng agrikultura gaya sa Bicol region.
Makakatulong din ang kooperatiba sa mga urban centers gaya ng Metro Manila na makakatulong sa mga pangangailangan sa mga komunidad.
Ang House Bill No. 2162 naglalayong magtatag ng Local Cooperatives Development Fund (LCDF) na pangangasiwaan ng provincial, city at municipal LGUs para suportahan ang mga programa, proyekto at mga aktibidad ng mga lokal na kooperatiba sa mga LGUs.
Sa ilalim ng panukala ang source ng LCDF ay manggagaling sa 2 percent funds ng LGU na nakukuha sa National Tax Allotment (NTA) na kanilang share mula sa national government.
Sinabi ni Yamsuan na ang panukalang batas ay mag-empower sa mga Cooperative Development Office (CDOs) para epektibo nilang magampanan ang kanilang duties and responsibilities.
Ayon sa Kongresista, aahin ang mga binubuong CDO sa bawat LGU kung wala naman itong pondo.
Para sa fiscal year 2024, ang kabuuang NTA allocation ng LGUs ay nagkakahalaga ng P871.3 billion.
Batay sa datos mula Cooperative Development Authority (CDA) as of 2023 nagpapakita namayruong 12.4 million members sa 20,752 cooperatives sa bansa.
Nasa 312,300 katao ang nagtatrabaho sa mga kooperatiba.