Hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magtayo ng mas maraming cold storage facility para matulungan ang mga magsasaka.
Sina Hontiveros at dating senador Francis Pangilinan ay una nang sumangguni sa mga onion farmers sa Occidental Mindoro, na bahagi ng pinakamalaking rehiyong gumagawa ng sibuyas na Rehiyon 4B.
Ayon kay Honitveros, ipinarating ng mga magsasaka na kanilang kinonsulta na ang kawalan ng maayos na storage units ay nag-ambag sa kanilang pagkalugi.
Para mabawi nila ang kanilang kapital, hindi dapat bababa sa P100 kada kilo ang presyo ng sibuyas.
Inirekomenda ng senador na ang mga bagong cold storage unit ay nasa Mindoro, Nueva Ecija, Ilocos, at Pangasinan para maibsan ang pagkalugi ng mga magsasaka.
Sinabi ni Hontiveros na ito ay magbibigay-daan sa mga maliliit na magsasaka na bigyang-priyoridad at ang pamahalaan ay maaaring bumuo ng isang pangmatagalang pamumuhunan para sa mga produktong agrikultura.