CENTRAL MINDANAO-Upang mapagbuklod ang mga ornamental gardeners na nagtatanim ng iba’t-ibang klase ng pangdekorasyon at panglandscape ng mga halaman, nagtatag ang Office of the Provincial Agriculturist sa lalawigan ng Cotabato ng interim provincial organization para sa mga kanila.
Layon ng pag-oorganisa ng samahan ng mga gardeners na ma-update ang database at mapaghusay ang access ng mga stakeholders sa mga programang pangkabuhayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato at upang maging bahagi ng bottom-up planning para sa mga pangangailangan ng mga gardeners sa susunod na taon.
Isa sa mga lumabas na makabuluhang plano ang pag-establish ng ornamental tissue culture laboratory sa hinaharap na magiging daan sa breeding at produksiyon ng rare at magandang klase ng mga halaman. Ito ay ayon kay Norberta Tahum, ang Provincial Ornamental Gardeners Focal Person.
Mahalaga ang organisadong gardeners para sa monitoring at impact assessment ng mga programa ng Provincial Government sa kanayunan. Ang ornamental gardeners organizing activity ng OPA ay mahalaga para marecognize ang kakayahan ng mga magsasaka na nasa negosyo ng paghahalaman. Ito ay ayon kay Provincial Agriculturist Dr. Sustines U. Balanag.
Kung organized ang mga magsasaka batay sa kanyang itinatanim o produkto, higit na mabilis at maayos ang daloy ng mga programang pangkaunlaran sa mga kanayunan. Nahihikayat kasi ang mga kasapi ng samahan na pagbutihin ang pamamalakad ng kani-kanilang sakahan sa pamamagitan ng mga agricultural extension programs at services ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Nancy Catamco na abot-kamay lamang.
Ang mga programa at serbisyo na maaaring ma-access ng mga organisadong gardeners sa Pamahalaang Panlalawigan ay mga production trainings, technical services, entrepreneurship at market linkaging.