-- Advertisements --

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang pagpapaliban ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nakatakda kasi ito sa buwan ng Mayo 2022, ngunit dahil sa mga inilatag na dahilan ay mas pinaburan ng mga mambabatas na maitakda ito sa ibang tao.

Ayon sa panukala, idaraos na lamang ang BARMM elections sa taong 2025.

Naitala ang bilang ng boto na 15 pabor sa pagpapaliban, tatlong kontra at isang hindi nakibahagi sa botohan.