-- Advertisements --
Mina Chang
Mina Chang

Itinanggi ng US Embassy sa Pilipinas ang balitang papalitan nI Mina Chang ang kasalukuyang kinatawan ng Estados Unidos na si Amb. Sung Kim.

Matatandaang una nang kumalat sa mga dyaryo, internet at iba pang malalaking media organization ang umano’y papalit kay Ambassador Kim, kung saan nakarating pa ang impormasyon hanggang sa Malacanang.

Pero sa isang pahayag, sinabi ng embahada na nakita na nila ang nasabing mga balita, ngunit wala itong katotohanan.

Giit nila, noong Setyembre 2018, naglabas ang White House na nais ng presidente na italaga si Mina Chang bilang assistant administrator ng U.S. Agency for International Development for the Bureau of Asia.

Nai-refer naman ang nominasyon sa Senate foreign relations committee noong Enero 2019.

Pero maliban dito ay wala nang karagdagang anunsyo ang White House ukol sa USAID.

“We’ve seen this claim. It is not true. In September 2018, the White House announced the President’s intent to nominate Mina Chang to be an Assistant Administrator of the U.S. Agency for International Development for the Bureau of Asia. The nomination was referred to the Senate Foreign Relations Committee in January 2019. There have been no additional White House announcements regarding her nomination to the USAID position,” saad ng US Embassy statement.