-- Advertisements --
Iglesia Filipina Independiente Lingayen

Itinuturing ng Iglesia Filipina Independiente na historic at revolutionary ang pag-ordain ng kanilang kauna-unahang trans woman clergy sa Pilipinas.

Una rito, ginawa ang pagtatalaga kay Wylard “Wowa” Ledama, bilang diakono ni IFI Supreme Bishop Rhee Timbang sa harap ng kanilang congregation.

Si Ledama ay tubong Pagadian City, isang nurse at pumasok sa Aglipay Central Theological Seminary sa Pangasinan.

Kaugnay nito, ilan ang pumuna mula sa konserbatibong mga grupo at mga karaniwang indibidwal.

Una na ring naging laman ng debate ang pag-ordina sa isa ring clergy sa Australia na isa ring transgender para sa Anglican church.