-- Advertisements --

Idinepensa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagtatalaga kay Number 2 City Councilor Girlet Luansing bilang acting Mayor sa Ozamiz City.

Habang ang Number 3 councilor na si Michael Tagal ang itinalagang acting vicemayor.

Ayon kay DILG officer-in-charge Secretary Catalino Cuy, hindi maaring si Vice Mayor Nova Princess Parojinog ang italagang officer-in-charge Mayor dahil ito ay nakakulong.

Ito rin ang magiging kaso ng No. 1 councilor na si Ricardo Ardot Parojinog na hindi maaaring maging acting vice mayor dahil nawawala siya hanggang ngayon matapos salakayin ang kaniyang bahay.

Sinabi ni Cuy na ang Number 2 at 3 councilors ang may kakayahan na italaga sa nasabing puwesto upang hindi mapabayaan ang gawain ng local government ng Ozamiz City.