-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang pagtatanim ng Narra at Kawayan sa bahagi ng Calao bridge sa Barangay Calao East, Santiago City

Sa nakuhang impormasyon ng Bonbo Radyo Cauayan sa LGU Santiago City, pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO, katuwang ang Young Eco Savers Organization Federation of advisers – Santiago City (YES-O) at ilang Opisyal ng Barangay sa Calao East ang Kick-off tree planting ceremony bilang bahagi ng Philippine Environment Month.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Mario De Guzman, Department Head ng CENRO ibinahagi nito na nasa pitumput limang piraso ng narra seedling at dalawampu’t limang piraso ng mga kawayan ang itinanim.

Bahagi din ng kanilang programa ang Online Quiz Bee, Linis Paaralan, Arbor Day Linis Bayan, TikTok Pop Dance Challenge, Facebook Infographics Post at YouTube Recycling Show.

Alinsunod sa Temang “Sama-samang pagkilos, sama-samang pagtulong, ikaw ako tayo at ang kalikisan” ay matagumpay na nasimulan ang nasabing Monthlong celebration at bahagi na rin ng River Protection Program ng CENRO.

Tiniyak naman ng CENRO Officer na nailatag ng maayos ang mga Minimum Health Protocol sa nasabing aktibidad

Inilatag naman ang Environmental Exhibit sa City Hall Lobby kung saan pinapakita ang ibat ibang materyales na gawa sa recycled materials na produkto ng mga guro at mag-aaral.