-- Advertisements --
CEBU CITY – Ikinagalak ng Muslim community sa Cebu ang inisyatiba ng pulisya na pagdiriwan ng Eid’l Fitr sa loob headquarters nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo ipinaabot ni Najeeb Razul ng Voice of Islam – Central Visayas ang pasasalamat sa mga opisyal ng Police Regional Office 7 dahil sa pagkilalang binigay ng mga ito bilang Kristiyano sa tradisyong sinusunod ng mga Muslim.
Ani Razul, nagpapakita ang hakbang ng tunay na pagkakasundo ng mga Muslim at Kristiyano kahit mula pa sa magkaibang relihiyon.
Sabay sabay na nag-alay ng dasal ang kapwa hanay na sinundan ng salo-salong pagkain.
Bukod dito, may hiwalay din daw na programang isinagawa sa Plaza Independencia sa Cebu City na sinabayan ng pakain mula sa lokal na pamahalaan.