-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Nilinaw ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na walang problema ang paglalagay ng community pantry sa anumang lugar basta’t maayos na naipaalam sa barangay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Diño, dapat na may koordinasyon pa rin sa barangay ang mga kaparehong aktibidad.
Ang barangay officials umano kasi ang mananagot sa nalabag na health protocols sa mass gathering at sakaling dumami ang hawaan ng COVID-19 sa nasasakupang lugar.
Imbes na kontrahin, hinihikayat pa umano ang iba na ma-inspire sa mga ganitong programa na bumubuhay sa espiritu ng pagtutulungan at pagbabahaginan ng biyayang natatanggap.
Dagdag pang dapat lamang tiyakin na hindi makompromiso ang pagsunod sa health protocols.