-- Advertisements --

covid testing

Minamadali na ng Philippine National Police (PNP) ang contruction ng Rapid Test-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) facility sa Cebu City.

Ito’y sa kabila ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga pulis na nagpositibo sa Covid 19 sa nasabing siyudad.

Ayon kay PNP chief PGen. Archie Francisco Gamboa, pumalo na sa 120 pulis ang nagpositibo sa Covid-19 virus sa Cebu City, kung saan tatlo na dito ang nasawi.

Sa kabuuan walong pulis na ang namatay dahil sa dreaded virus.

Layon ng pagtayo ng Covid-19 testing facility sa Central Visayas ay para isailalim sa mass testing ang mga kapulisan duon.

Una ng nagpadala ng 100 pulis ang PNP sa Cebu para tumulong sa pagmamando sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Batay kasi sa datos ng PNP, nasa 499 na ang pulis sa buong bansa ang nagpositibo sa Covid-19, nasa 288 naman dito ang nakarekober na.

Nasa 661 ang probable cases habang nasa 875 ang suspected cases.

Una nang ni lockdown ang dalawang police stations sa Cebu City dahil 25 pulis ang nagpositibo sa Covid 19.