Sinimula na ng house committee on Justice ang diskusyon kaugnay ng pagtatayo ng Dangerous Drugs Court sa buong bansa ito ay upang mas mapagtuonan ng pansin ang mga kaso na may kaugnayan sa droga.
Napansin ng Supreme court na kakaonti umano ang mga drugs court o ang mga designated Regional Trial Court para sa droga sa buong bansa, mayroon lamang umanong anim naputlima lamang at hindi ito sapat upang ma accommodate lahat ng iba’t ibang kaso.
Mayroon rin umanong mga rehiyon na wala pang drugs court at ang sa ilan namang mga Regional Trial Court ay marami ang pending cases.
Ang korte naman umano ay hindi nagkukulang ng training para sa mga judges at personnel na designated sa drugs cases dahil mayroon silang specific na guidelines at rules dito.
Sa kabilang dako naman, suportado naman ito ni Kabataan Partylist representative Raoul Manuel ngunit nais niya umanong magkaroon ng specific na bilang ng kaso na inihahain sa mga korte na may kaugnayan sa droga.
Samantala, sa ibang balita naman isinusulong rin ng ilang mambabatas ang pagpapabuti pa ng ilang mga local hospitals upang mas maging maganda ang serbisyo nito sa tao.
Kabilang sa nasabing medical center ay ang Cotabato Regional and Medical Center kung saan sa ilalim ng House Bill 7320 ay dadagdagan ang bed capacity nito.
Ayon kay Cotabato Regional and Medical Center Dr. Ishmael Dimaren, kinakailangan raw talaga itong karagdagang bed capacity dahil sa mas lumalalang health issue.
Dagdag pa niya, ito ay makatutulong upang ma accommodate nila ng mas maayos ang mga pasyente na nanangangailangan ng atensyong medikal.
Itong panukala ay sinusuportahan naman ng Department of Health at inirerekomenda ng ahensya na ang development plan umano ng ospital ay tatalima sa Philippine health facility development plan.